Dear Diary...



Description
\

I dream of having a bookshelf filled with pile of Harry Potter book series. I dream of fulfilling the world with bacon, french fries, ice cream and Pikachu stuffs. I dream of having all the well-known brands of badminton racket. I dream of witnessing the beauty of London and Korea. I dream of capturing every moment I spend with my loved ones. I dream of having a world united with peace, love, and God fearing people.

And I dream of marrying the guy who deserves my love, Dominique E. Sumilhig.

I don't only dream; I believe and do an act.

FLAVORS.ME/BURNTLOVE


Navigation
+Home | +Archive | +Ask | +Credit

| Next
April 9, 2013.

Ang sarap sa pakiramdam. Yung marinig mong kinakantahan ka ng taong mahal mo. Yung boses niya nakakapanlambot ng puso— nakakagaan sa pakiramdam. Kahit anong worries ang nararamdaman ko nung mga oras na yun, nawala rin dahil sa kaniya. Nakakakilig! Sobra. 

Nakaka-touch yung boses niya, lalo na’t kinanta niya yung isa sa mga favorite kong kanta, “One and only you”. At first time ko ring kumanta ng ganun, eh hindi naman kasi ako kumakanta talaga. Nakakahiya tuloy.

Ako: Sipain kita diyan eh.

Siya: Ayaw mo kiss nalang?


Mahal kita kasi. 

March/10/2013 | 0 notes | Reblog this

February 26, 2013.

“Eh kung manligaw ako sa’yo, sasagutin mo ba ako o hindi?” - October 13, 2011. 

Oo, naaalala ko pa yung time na tinanong mo ako niyan. Hindi ko inexpect na liligawan mo ako suddenly. Akala ko kasi hanggang dun lang tayo sa point na nagkakatext lang parati. Hindi ako nag-assume dati na siguro kaya lagi mo ako tinetext kasi may gusto ka sakin, hindi ko inisip yun kasi ang kapal naman ng mukha ko siguro kung iisipin ko yun no? HAHAHA!

Nagtataka lang naman ako dati kung bakit lagi mo akong tinetext. Hindi naman tayo close friends back then. Nung nakahalata na ako dati na lagi mo akong pini-PM every night, nag-start na akong magtaka. Siyempre at the same time, may halong kilig kasi to be honest, may gusto na ako sa’yo nun. Hindi lang ganun ka-strong yung feelings ko para sa’yo, until we’ve gotten closer through text. Napansin ko nun sa sarili ko na every time na nakikita ko yung name mong “Dom” sa inbox ko, parang na-rerefresh o kaya na-aarouse ako. I couldn’t help myself but wait for you to text me. Hindi naman talaga ako nag-uunli dati ng madalas. In fact, twice a month lang yata ako nag-uunli nun e but you changed everything— pati yung principles ko in life binago mo in a positive way. 

Dati nga sabi ko sa sarili ko, “Close nga kami sa text pero sa personal walang kibuan”. HAHAHA, totoo naman e. First text mo sakin, “Good evening!”. Talagang sinuswerte ka nun kasi may load ako at that time. :))) Birthday yata ni Moy nun tapos may nagsabi sakin na nag-iinuman yung boys. Lalo pa akong na-attach sa’yo nung sinabi mong hindi ka umiinom and nalaman ko rin na wala kang bisyo. From that day onward, gabi-gabi na kitang nakakatext and mas lalo akong napapamahal sa’yo nun. Napag-usapan pa nga natin dati kung sino yung mga past ko, sabi mo pa nga alam mong naging ex ko si JV. Tapos nabanggit ko rin sa’yong naging kami ni Jigo. Nahihiya man akong sabihin pero ikaw lang ang nagtagal sa ugali ko. E ano ba kasing nakita mo sakin bakit umabot tayo ng 1 year? HAHA. Pero kahit ganun, masaya ako kasi na-reach ko yung dream ko na magkaroon ng boyfriend na magtatagal sa ugali ko and makakasama ko forever. 

“Atsaka andiyan ka e kaya di nako lilipat,” - October 12, 2011.

Ayun! Dyan ako pinakakinilig dati. E kasi naman e, HAHAHA! Di ko ma-express. Yih hanggang ngayon napapakilig mo parin ako sa mga past messages mo. Ikaw lang talaga nakakagawa sakin neto. The best ka e. :”)

Pero, dati hindi ako nagpapadala sa mga messages mo kahit na himatayin nako sa kilig. Iniisip ko kasi dati na baka ginu-good time mo lang ako o kaya pinagtritripan, pero tuwing naiisip ko yang pogi mong mukha nare-realize ko naman na yang mukhang yan hindi mukhang manloloko. HAHAHA. Ewan. Wala kasi akong tiwala sa mga lalaki. Sa’yo lang talaga ako may tiwala. (And I hope naman hindi mo sisirain tiwala ko sa’yo).

Akala ko nga dati marami ka ng naging girlfriend. Sa pogi mo ba naman yan wala bang magkakandarapa sa’yo? E bakla nga nagkakagusto sa’yo e. 

Until nung tinanong mo na ako kung paano kung manligaw ka sakin, astig ka rin e. Una magpaparamdam kang may gusto ka sakin, hindi ka katulad ng ibang lalaki na sugod lang ng sugod. Hindi ko alam kung paano ako magrereact nun, hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. E since naman na ikaw ang nagpapatibok ng puso ko since day one, pinayagan kita. At oo, may balak akong sagutin ka after a few weeks. 

Yung consequence na binigay ko sa’yo, hindi mo ginawa. HAHA! Sabi ko kasi sa’yo bago kita sagutin dapat kausapin mo muna ako ng harapan. Nakita ko naman efforts mo dati. 

And yun nga, October 24, 2011, sinagot kita. Sabi ko sa sarili ko sana di ko pagsisihan yung desisyon ko. Tama nga ko, naging mas masaya ako nung dumating ka. Natuto akong maging kontento sa kung anong meron ako. Binago mo ako in a positive way, although hindi naman halata talaga na may nagbago sakin. 

You’ve given me reason kung bakit kailangan kong maging stronger each day. Kapag kasi nakikita ko yan smile mo, nawawala lahat ng worries ko. Ewan ko, ikaw yata ang doctor ko e? :”> 

You’ve made me happy, the happiest I have ever been. Comfortable ako kapag kasama kita. Iba ka e. You may not be my first hug, pero sa’yo ko binigay yung most precious thing sakin— yung first kiss ko. Oha? Ikaw first kiss ko oy! Maging proud ka naman kahit papaano! :)))) And sisiguraduhin kong ikaw na rin ang last kiss ko. We’ll get married and live under the same roof. We’ll get to that point soon. We just have to wait.  

Speaking of being proud, proud ako na ikaw ang boyfriend ko. Proud akong sabihin na si Dominique E. Sumilhig ang nagmamay-ari ng heart ko. ♥ (Weeee corny!). Kaya ikaw, wag na wag mo kong lolokohin ha? Kokotongan talaga kita hangga’t ma-realize mong mali yung ginawa mo and wala ka nang babalikang Arott kapag ginawa mo yun sakin.

I’m missing half of my life without you. Ikaw ang better half ko. You’ve completed me. Oo, minsan nagtatampo ako, minsan ikaw ang reason kung bakit nasasaktan ako (hindi ko pinapaalam sa’yo). Pero ikaw rin ang reason kung bakit masaya ako at the same time. 

Mecmec, dyan ka lang para sakin ha? Wag mo akong iiwan. Mahalin mo pa ako lalo para tayo na talaga to the end! Desperate much? HAHAHA! Hindi, mahalin mo lang ako okay lang na ako dun. Kasi ako, satisfied na akong mas minamahal kita each day. Sobra sobra na nga, nahihiya na nga ang Pacific Ocean sa umaapaw kong pagmamahal sa’yo e! :))))))) I love you, okay? I love you so much. I love you infinitely. I love you to no end. Thank you for being the best thing that’s ever been mine. Thank you for fulfilling my life with colors. Sorry kung makulit ako minsan, lambing lang yun! Sorry kung gusto ko lagi kitang katext, agad-agad kasi kitang namimiss e kahit kakakita lang natin. I’m lucky to have you as my boyfriend, best friend, other half, and future husband. Let’s stay forever. I love you. 

February/26/2013 | 0 notes | Reblog this

“Kambal ka ba? Kasi alam ko nasa puso kita pero bat lagi ka sa isip ko?”

- Mecmec. ♥

February/26/2013 | 0 notes | Reblog this

February 22, 2013.

Mecmec. Namimiss na kita. Sobra. Usually, every weekend katext kita lagi. Pero ngayon? Eto ako, nakaharap nanaman sa computer habang yung cellphone ko nandun sa kwarto. Iniwan-iwanan ko nalang kasi alam kong hindi naman kita makakatext. Nasanay na kasi ako, pasensiya na. Sorry kung minsan naiirita na kita sa kakatanong ko ng, “Okay naba yung cellphone mo?” Wag kang mag-alala. Hindi na kita tatanungin ng ganun, last na yung kanina. Alam ko namang sumosobra nako sa limits ko. Sorry ha. 

Gusto ko lang naman malaman mo na namimiss na kita. I miss you, a lot. Paano pa kaya kapag ikaw ang nawala sakin? Paano na ako nun? Wala ng magsasabi sakin ng “I love you”. Wala ng maggu-goodnight sakin at wala ng magpapaganda ng araw ko sa simpleng “Good morning Arott ko :)”. 

Hihintayin kita magtext. I miss you. 

February/22/2013 | 0 notes | Reblog this

October 24, 2012.

October 24, 2011; The day I wish you wouldn’t let me go— that we will stay forever. HAPPY ANNIVERSARY MISTER KO! ღ

1 Year na. Parang kailan lang nga inaasar-asar lang nila tayo sa isa’t-isa.  Akala ko dati hindi mo ako magugustuhan. Akala ko isa ka lang typical guy classmate ko na hindi ko mamahalin ng sobra, yung hanggang tingin lang ako. Pero ito talaga ang hindi ko makakalimutan na sinabi ko kay Lea nung 3rd Year kami → “Lea, attractive yung Dominique na yun no,” Yes, it all started with the word “attractive”. Attracted lang naman ako sakaniya dati e, until binigyan na ng mga best friends ko ng ibang meaning yun. Kaya ayun, akala nila crush ko siya when in fact, hindi naman. Hanggang nung nililink na kami sa isa’t-isa, dun na ako nakaramdam ng ibang feeling. Every time na nakikita ko siya, parang natutuliro ako na ewan. Tapos hindi ko maiwasan dati na tignan siya. Nahalata nga nila Angelica yun e. Napansin ko lang naman siya nung pinuri siya ni Ma’am Rose dahil sa essay niya. Ang galing niya kasi. Nagustuhan ko rin nun yung sinulat niya sa essay niya.

Pero as time passed by, tinigilan ko na rin yung pagkagusto ko sakaniya nun. Ayoko muna kasing ma-involve sa love nun. Wala talaga akong balak magkaroon ng boyfriend dati. Pero binago niya lahat e. Pati yung mga pananaw ko sa love nabago rin. Dahil sa kaniya, lalo akong naging inspired lalo na sa pag-aaral kasi siyempre, gaganahan ka talaga kasi alam mong my isang taong proud sa ginagawa mo. 

Si Dominique…. Hindi siya yung “man of words”. Simple lang siyang boyfriend na asawa pa. HAHAHA. Siya lang yung tumagal sa ugali ko. Despite of me being such a grumpy at selosa na girlfriend, hindi niya pa rin ako iniiwan. Sakaniya ko naramdaman yung true meaning ng isang relationship. Siya lang yung nagsabi sakin ng, “Ikaw lang talaga” “Ang masama, kapag iniwan mo ako”. Siya yung taong gusto akong makasama forever. Siya rin yung nagsasabing after 10 years magpapakasal kami. And in fact, I can’t wait to spend my lifetime with him. Yung yayakapin ako kapag nagtatampo ako kunwari. Yung hahalikan ako bago siya umalis. Yung magsasabi ng I love you ng harapan without even hesitating. Yung hahawakan ang kamay ko habang naglalakad kami.

Isa siya sa mga reasons kung bakit hinaharap ko ang bawat araw ng may smile sa mukha. And thankful ako kay God kasi nakilala ko siya. I will never regret meeting someone like him. Isa rin siya sa mga special persons na hindi ko nakakalimutang isama sa prayers ko. No matter how much he does something I don’t like, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kaniya. Corny na kasi kung corny, mahal ko siya e. Ano ba? ;D 

Hinding hindi ko siya iiwan. Napaka-tanga ko nalang nun kung ilelet go ang taong nagpapasaya sakin. Para saan pa yung sinabi naming “Walang iwanan” kung magkakahiwalay rin kami? Gusto kong panindigan lahat ng mga sinabi ko sakaniya. Ayoko siyang iwan kasi ayokong maramdaman niya yung sakit ng iniiwan ka ng taong mahal mo. I’ve felt the feeling of abandoned by someone you love for 2 times already. And ayokong maramdaman niya yung pain na yun. Kasi nga mahal ko siya. Sobra ko siyang mahal, na hindi ko ma-express sa words yung pagmamahal ko sa kaniya. 

He may not be my first love and my first boyfriend, but I swear that he will be my last. First kiss ko siya, gusto ko sakaniyang lips lang ang nakikiss ko until we grow old. Alam ko marami pang darating sa amin, pero wala sanang bibigay. Wala sanang sawaan. Wala sanang manlalamig sa relationship namin. Diba nga mag-asawa na tayo? Kapag mag-asawa na, bawal na nilang iwan ang isa’t-isa. Kasi nga, lock na sila sa isa’t-isa for the rest of their lives. 

And I’m lucky to have a guy like you. Hindi kita hahayaang mapunta sa iba. Depende nalang kung gusto mo na akong iwan. :( 

1 year… Gusto ko umabot tayo ng 2 years, 3 years, 4 years, 5 years hanggang sa magpakasal tayo sa right time. Akin ka lang habang buhay. Pasensiya na, selfish lang, mahal kasi kita. One day, we’ll live under the same roof and spend our lives together. 

Happy Anniversary po Mecmec ko. I love you. 

- Arott.

October/24/2012 | 0 notes | Reblog this

“SORRY PO”.

Can I just bring you closer to me and hug you tight for being too sweet? Nasobrahan ka na sa pagiging sweet e. :”) Kapag nagsosorry ka, agad nawawala yung tampo ko sa’yo. Napapa-smile na lang ako tapos kinikilig at the same time. Kapag nilalambing mo ako, parang nawawala lahat ng worries ko and everything turns right. 
Kapag nagsosorry ka, nafi-feel ko yung importance ko sa’yo. My part sakin na nasasaktan kasi iniisip ko may mali din ako tsaka nasaktan kita dahil sa pagtatampo ko. Kapag nagsosorry ka, mas lalo kong nafi-feel yung pagmamahal mo para sakin.
Di ka na katulad ng dati na medyo mataas ang pride. Mas maganda na satin yung ngayon, yung inaayos natin yung mga tampuhan natin, di natin pinapagana yung pride. Kasi nga diba sabi natin ayaw nating nagyayari yung ganun. Kasi nga ayaw kong mawala ka sakin. And sabi mo dati, “Kaya nga ayokong mahiwalay sa’yo,” I trust you.  
Ayaw ko na ring mahiwalay sa’yo. Ikaw lang talaga gusto ko makasama for the rest of my life. Ayoko sa iba. Hindi ko ma-imagine yung sarili ko with another guy. Kung maghihiwalay man tayo, it will take a long time para sakin na mag’move on. Pero ayoko talagang mawalay sa’yo. Enough ka na. Di kita iiwan no matter what happens. Mahal kita e. Sobra. I can’t wait to spend my lifetime with you. 

October/15/2012 | 0 notes | Reblog this

September 29. 2012.

Got home na. Inaantok na ako kaagad. HAHA!  obrang nabusog ata ako dun sa kinain namin. Pero enjoy naman kasi nakasama ko si Mecmec KO. :”) Nakaka-disappoint lang talaga minsan kasi konting oras ko lang siya nakakasama tapos halos after 3 weeks nanaman kaming hindi magkakasama.

Mamimiss ko nanaman niyan yung hugs, hands, and kisses niya. Sige ako ng kawawa. ;D Pinauwi ako kaagad ni Mama pero buti naman hindi ako napagalitan kay Papa kasi gumawa nanaman ng ibang adlib si Mama kay pudra. HAHA! Aaminin ko, si Papa lang talaga ang may problem sa relationship namin ni Mecmec. Si Mama okay lang daw sakaniya— kay Mama nga ako parati nagkwekwento, sinasabi ko sakaniya lagi na mabait na boyfriend si Mecmec. 

Tapos kanina binayaran niya na rin yung 24 kisses. Natatawa talaga ako kanina sakaniya, ang cute niya. :”“”“> Pag nagkasama kami ulit, babawi ako dun. Humanda siya! =)))) 

September/29/2012 | 0 notes | Reblog this

Theme by Kath