Dear Diary...



Description
\

I dream of having a bookshelf filled with pile of Harry Potter book series. I dream of fulfilling the world with bacon, french fries, ice cream and Pikachu stuffs. I dream of having all the well-known brands of badminton racket. I dream of witnessing the beauty of London and Korea. I dream of capturing every moment I spend with my loved ones. I dream of having a world united with peace, love, and God fearing people.

And I dream of marrying the guy who deserves my love, Dominique E. Sumilhig.

I don't only dream; I believe and do an act.

FLAVORS.ME/BURNTLOVE


Navigation
+Home | +Archive | +Ask | +Credit

| Next
June 10, 2013.

“Bye, infi24”??? 

Buladas! Hahaha! Di ko maiwan tong account na to. Might as well gamitin ko narin tuwing my magkwe-kwento ako.

First day of class… Lahat sila naghahanap ng pogi. Tawa nalang ako, eh. Wala nga akong matipuhan. Well, minsan may na-coconsider akong gwapo. Katulad nalang sa classroom namin, may isang guy na medyo pogi kaso may sabit, eh. Parang bakla kasi. Hahaha! Pinagtatawanan nga namin kanina.

Pero wala talaga. Sa nangyayari ngayon, mas napapatunayan ko sa sarili ko na siya lang talaga pinaka-pogi para sa akin. 

Okay na ako dati, eh. Nakaka-move on na ako. Pagod na ako nun. Okay na sa akin ang lahat kaso binanggit siya sa akin nila Romeo at Gerzelle. Nagsibalikan sa akin lahat ng memories. Nasaktan nanaman ako. 

Tapos eto namang si Arvy nagtanong kung may nanliligaw ba sa akin. As if namang mayroon kaagad manliligaw sa akin eh wala pa ngang 1 month na hiwalay kami, eh. Pero my napapansin lang ako sa isang lalaki, parang nagpaparamdam, eh. Nevermind nalang. Wala rin naman akong paki sa lalaking yun. 

Wala na, nasasaktan nanaman ako. 

Alam mo yung ang hirap huminga? Alam mo yung nilunok mo na ang pride mo para lang balikan siya? Alam mo yung parang may pumipigil sa’yong kalimutan siya? At alam mo yung sobrang hirap?

Nararamdaman ko yun ngayon, eh. Ang hirap. Ang sakit sa puso. Wala na, eh. Parang durog na durog na puso ko. 

Tang ina lang kasi, eh. Binabalikan ko na siya, bakit hindi siya magreply? Hindi ko naman kailangan ng approval niya, eh. Kahit sabihin man lang sana niyang ayaw na niya, okay na sa akin yun para tumigil ako. Kaso hindi eh, ang taas ng pride niya.

Wala akong pinagsisihan. Hindi ko pinagsisihan na mas pinili ko siya. Kasi naramdaman kong masaya ako sakaniya, eh. Naramdaman ko yung fulfillment. 

Ang tanong, kailan ako magiging masaya ulit? Gusto ko ng maging masaya. Gusto ko ng makawala sakaniya. Gusto ko ng makalimutan siya para hindi na ako nahihirapan ng ganito. 

Gusto ko ng maging maayos sa akin ang ulit. Gusto ko siyang bumalik, pero ayoko ng umasa pa. 

Kailangan ko siya, eh. Pero hindi na niya ko kailangan. 


May 25, 2013 - Last post.

May 25, 2013. Last post. 

“Hello. Para siguro sa’yo break na tayo no? Pero para sakin hindi pa. Hahaha. Sige, malaya ka na. Uy saya nya niyan! Hahaha! Maghiwalay na tayo. Di na kita papakialaman tutal wala ka naring pake. Edi ganun narin gawin ko. Sige bye! Ingat!” 

Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung courage na makipaghiwalay. Hindi ko rin alam kung bakit nagawa ko pang tumawa diyan sa message ko.  Siguro talagang kailangan lang. Kinailangan ko lang magpakitang masaya ako sa decision ko. 

Siguro nga para sakaniya, matagal na kaming wala. Pero para sa akin, hindi pa. Hinayaan ko siyang hindi magparamdam. Hinayaan ko ang sarili kong mapagod. Hinayaan ko siyang magpalamig. Pero hindi ko in-expect na aabot ako sa puntong ako na mismo ang nagsabi sa sarili ko, “Rose, tama na. Nagmumukha ka ng tanga, oh.” 

Kailangan ko ng closure. Ayaw kong magkaroon kami ng informal break up kaya nakipag-hiwalay na ako. Ayaw kong makulong sa mere fact na walang nagbitaw ng salita sa amin kasi mas lalo lang akong mahihirapan. Kaya nag-decide na akong tapusin na. 

Masaya na siya. Nakita ko lang siya nung minsan na naglalaro ng basketball kasama barkada niya. Nasaktan ako nung nakita ko siya. Malamang hindi niya ako napansin nun kasi busy siya sa paglalaro. Suot-suot niya pa nga nun yung jersey niya na may “24”. Dun ako lalo nasaktan. 

Kaya nga I made up my mind na. Hindi na niya ako mahal. Wala na siyang paki. Hindi na ako mahalaga sakaniya. Madali lang para sakaniya ang lahat. Lalaki siya kaya kayang-kaya niyang kalimutan ang katulad ko. 

Masakit? Oo, masakit. Pero iniyak ko na lahat dati pa. Last ko na yun, eh. Pero ngayon palang napapaiyak na ako ulit. Iyakin nga talaga ako. 

Forever? Grabe. Naniwala ako sa forever na ‘yan. Akala ko kami na talaga. Akala ko siya na talaga yung lalaking mapapanga-sawa ko. Asawa ko? Ang sarap niyang tawagin ng ganiyan. Nakaka-refresh ng feeling. Pero wala na yung forever. Nag-expired na ngayon lang. Akala ko totoo na. Nag-assume kasi ako kahit alam kong impossible. Siguro para sakaniya wala lang yan. 

Nasasaktan ba siya? Hindi ko alam. Sa tingin ko, mas maayos siya ngayong wala na ako sa buhay niya. Wala ng pipigil sakaniya, wala ng magbabawal, wala ng manggugulo at wala ng masasaktan dahil sakaniya. He’s better off without me. 

Nakakatawa. Na-sacrifice ko lahat para sakaniya. Sa totoo lang, ayaw ni Papa dati na magka-BF ako. Nasaktan niya pa nga ako, eh. Nasampal niya ako ng dalawang beses kasi pinaglaban ko yung sa amin. Umiyak ako nun buong gabi. Hindi ko pinaalam sakaniya kasi natatakot akong mawala siya. Nangako ako kay Papa nun na magpupursigi akong maging Valedictorian para matanggap niyang may BF ako. 

And guess what? Naayos ko ang lahat. Naging Valedictorian ako. Nagpursigi akong makamit yung place na yun para lang sakaniya. Ngayong okay na ang lahat, siya naman ang naging malayo sa akin. 

Nakaka-tanga lang, noh? Nasaktan ko din si Clark Jay kasi mas pinili ko siya kaysa sa best friend ko. Nagalit pa nga sa akin nun si Clark. Tapos ngayon sila Clark at Angela ang madalas mag-comfort sa akin. Kung sino pa ang nasaktan ko, siya pa ang nandiyan para sakin ngayon. 

Sabi nga ni Clark sa akin, “Ang swerte niya sa’yo. Mahal na mahal mo siya tapos di mo pa siya kayang iwan.” 

1 year and 7 months… Tignan mo, oh? Almost 2 years na. Malapit na kami doon sa 7 years eh. Pero bakit kami nag-drift apart? Hindi ko alam kung paano. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta na-realize ko nalang na nanlalamig na siya sa akin. 

First kiss… Nasa kaniya first kiss ko. Akala niya ba si Jigo ang first kiss ko? Hindi. Si Jigo ang nagpupumilit noon na halikan ko siya pero di ko ginawa. Naisip ko kasing masiyado pang maaga para dun. So bale si Jigo nalang humalik sa pisngi ko. Pero failed parin yun, kasi yumuko ako nung hinalikan niya ako sa pisngi. Bale hindi masiyadong dumikit. 

Pero bakit ko sakaniya binigay first kiss ko? Kasi mahal ko siya, eh. Mahal na mahal. 

Sakaniya lang ako nagkaganito. Sakaniya lang ako nasaktan ng maraming beses. Sakaniya lang ako nagtiiis. Pero sakaniya ko lang din pala makukuha yung sinasabi nilang “biggest heartbreak”. 

Ako lang nasasaktan sa aming dalawa kaya ako lang laging kawawa. 

Grabe, hindi ko maisip na sobra akong naging tanga. 

Sobra kasi akong magmahal kaya ayan napapala ko, nate-take for granted ako. 

Pero sa totoo lang? Namimiss ko yung dati. Namimiss ko mga pinagsamahan namin. Hindi ko inakalang aabot kami sa ganito. Namimiss ko yung mga tawanan, asaran, lambingan pati narin tampuhan. Namimiss ko na mga yakap at halik niya. Hinahanap-hanap ko yung mga yun. 

Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano ako gagalaw ngayong wala na kami. Sobrang na-attached ako sakaniya. Sobrang napamahal ako.

Gusto kong sabihin sakaniya na, “Di mo ba ako namimiss? Di ka ba nasasaktan sa mga nangyayari sa akin? Sabihin mo naman, oh.” Kaso magmumukha akong tanga nanaman. Masaya na siya ngayon kaya hindi ko na siya gagambalain.

And to add the fact na marami pa siyang magiging babae in the near future. Hindi naman ako kagandahan para hindi niya makalimutan kaagad. Siya si Dominique, kayang-kaya niyang makuha ang babaeng gusto niya. 

Samantalang ako? Ha-ha-ha! Tawa nalang! 

Dati akala ko impossible ang mapagod sa pagmamahal. Pero ngayon nararamdaman ko na yun. Napapagod na ako at sa tingin ko, oras na para ako naman ang magmukhang walang pakialaman. 

Wala na siyang pakialam. Edi gagawin ko rin ang ginagawa niya.  

Galit ba ako? Gusto kong ikalma at pigilan ang sarili kong magalit kasi wala ring magagawa yun. Hindi rin siya babalik. Pero sa sitwasyong ito, may parte sa akin na may sama ng loob kasi nasayang lahat. 

Oo, nasayang lahat. Sinayang niya at sinayang ko rin. Bakit ba talaga ako gumive up? Kasi wala ng patutunguhan ang relationship namin kung walang pakiramdaman. 

Ako lang si Rose sakaniya. Naging girlfriend niya for 19 months. Yung babaeng naniwala sa forever. Madali lang niyang makakalimutan mga napagsamahan namin. Sawa narin siya sa katulad ko, so might as well do the same thing. 

Susundin ko yung 3 months rule ng relationship after break up. Hindi naman ako gagad para makipag-relation ulit. Kung tutuusin nga, wala muna akong balak. Pahinga muna. 

Paano kung bumalik siya? Impossible. Ayaw kong maging assuming. Pero kung bumalik man siya at humingi ng tawad dahil na-realize niya na ang lahat ng mga pinagsasabi ko, papatawin ko rin naman siya. May mga mali rin naman akong nagawa. Baka bigyan ko pa siya ng 2nd chance. 

Sana bumalik siya hangga’t mahal ko pa siya. 

Pero hindi na ako aasa pa. Alam kong hindi siya babalik. MASAYA NA NGA SIYA EH. Hindi niya na ako kailangan para ma-kumpleto buhay niya. Ang tanging mayroon lang ako ngayon ay yung mga memories na iniwan niya. Sa tuwing nakikita ko yung mga binigay niya at nababasa mga messages niya, nasasaktan pa rin ako. 

Baka nga may iba ng babae yun. Baka nga may iba na siyang nililigawan o kaya may girlfriend na siyang bago. 

Is this a goodbye? Para sa akin hindi. So, I guess dapat sabihin ko, “Till we meet again…”

Thank you sa mga memories. Thank you sa lahat. Kung gusto man niyang bumalik, ready parati ang puso kong pagbuksan siya pero alam kong wala ng chance kasi okay narin naman siya sa buhay niya ngayon. Bye, infi24.  

-Rose. 

May/24/2013 | 0 notes | Reblog this

April 9, 2013.

Ang sarap sa pakiramdam. Yung marinig mong kinakantahan ka ng taong mahal mo. Yung boses niya nakakapanlambot ng puso— nakakagaan sa pakiramdam. Kahit anong worries ang nararamdaman ko nung mga oras na yun, nawala rin dahil sa kaniya. Nakakakilig! Sobra. 

Nakaka-touch yung boses niya, lalo na’t kinanta niya yung isa sa mga favorite kong kanta, “One and only you”. At first time ko ring kumanta ng ganun, eh hindi naman kasi ako kumakanta talaga. Nakakahiya tuloy.

Ako: Sipain kita diyan eh.

Siya: Ayaw mo kiss nalang?

April/8/2013 | 0 notes | Reblog this

March 29, 2013.

Unfair ang buhay. Di ka niya hahayaang maramdaman ang kasiyahan na  pinapangarap mo kahit for once lang. 

Eh ako? Bakit ko kasi mas pinapahalagahan ang kasiyahan ng iba kaysa sa sarili ko? Bakit kasi mas iniisip yung mararamdaman ng iba kaysa sa nararamdaman ko? Yan tuloy, nasasaktan ako. 

March/29/2013 | 0 notes | Reblog this

Roses are red. Violets are blue. Someone loves you. Here is a clue; John 3:16. :)

On my 16th birthday, I want someone to give me a bouquet of flowers. ♥ 

January/26/2013 | 0 notes | Reblog this

January 3, 2012.

Happiness is what I feel when I’m with you. ♥

Alam mo yung moment na magkasama kayo tapos kahit na ang tahimik, ang saya mo parin? Yes, that’s what I feel when I’m with him. Yung kahit my mga times na walang nagsasalita sa inyong dalawa, masaya ka parin deep inside kasi nga kasama mo siya— yung kulang nalang marinig niya yung mabilis mong heartbeat. 

Nakakamurit. Isang ngiti niya lang sakin, bibilis nanaman heartbeat ko. Para naman akong ewan na na-iinlove sakaniya ng todo. The more I look at him, the more I fall in love with him. That’s it. Paano pa kaya kung gumawa ng surprise sakin tong lalaking to? I mean, yung magsabi siya ng sweet nothings kapag magkasama kami. E paano pa kaya kapag nag’propose siya sakin? HAHAHAHAHA JOKE! 

There’s this place in me where your fingerprints still rest, your kisses still linger, and your whispers softly echo. It’s the place where a part of you will forever be a part of me. I love you, Dominique. 

January/3/2013 | 0 notes | Reblog this

Dominique E. Sumilhig.

Dominique E. Sumilhig. Mecmec. Dom. Baby Ko. Asawa Ko. Mister Ko. Dominique. Sutil. Pogi. Bata. Kahit ano pang itawag ko sakaniya, pare-parehas lang yan, iisang lalaki lang ang tinatawag ko ng ganiyan. Si Dominique E. Sumilhig, ang lalaking nagbibigay kulay sa mundo ko. 

Spell Mecmec? 

I-L-O-V-E-Y-O-U with a Smile. 

Smile? Yup, smile. Hindi kiss. Kasi si Mecmec yung taong nagpapasaya sakin ng sobra. Sobra-sobra na siya para sakin kung tutuusin. 

Sorry kanina ha? Nagtampo ako ng wala sa lugar. Ayoko kasi yung napapagtaasan ako ng boses. Natatakot ako pag ganun lalo na kapag mahal ko pa yung taong nagtaas ng boses sakin. Nasasaktan ako. Para akong tanga, napaiyak nang dahil lang dun. Tanga na kung tanga, ako naman ang may mali. Sorry. Sinira ko yung gabi natin. Pasensiya na.

Dominique E. Sumilhig… Yan ang name ng taong nagpatibok ng puso ko. Hindi siya yung man of words. Hindi niya sinasabing nagseselos siya kay ganito ganiyan, hindi ko rin nga alam kung may pinagselosan na siya or wala pa. 

Siya palang ang lalaking nagsabi sakin ng “forever”, though hindi ko alam kung kami na talaga. But I’m hoping. Sana siya na talaga. Kung iiwan ko siya, alam kong magsisisi ako at ayokong dumating yung time na yun. Mahal ko tong lalaking to, and I’m willing to spend my lifetime with him. Kahit na ilang beses kaming mag-away, kahit na ilang beses kaming magkatampuhan, kakayanin ko para sakaniya. 

Sutil siya. Maraming alam na kalokohan but that didn’t stop me from loving him. So what kung sutil siya? Hindi ko kailangan ng perfect guy, kailangan ko yung taong kailangan din ako. Kailangan ko siya kasi mahal ko siya. Does he need me, too? Siguro. Siya lang naman makakasagot niyan. 

He’s like an air to me, I’m not saying na mamamatay ako kapag nawala siya. That’s too much. What I mean is, parang napakahirap maging masaya ng sobra kapag wala siya sa tabi ko. Every time na nagiging masaya ako ng sobra, iniisip ko na sana nasa tabi ko siya para parehas kaming tumatawa/naka-smile. 

The thought of him being mine makes me smile. Yung kahit sobrang bigat ng loob ko or kaya I’m having a tough day, nawawala nalang bigla dahil nandiyan siya. Yung ngiti niya, nakakapanghina lang minsan kasi, kahit na anong tampo mo sakaniya, bigla tong nagfe-fade kasi nga nakita mo siyang naka smile. 

Yung kisses and hugs niya, nakakagaan ng pakiramdam. Alam mo yun, yung kapag hinahalikan ka niya parang kayo lang talagang 2 yung tao sa mundo. Yung parang solong solo niyo na yung place and sana hindi na matapos yung moment. Minsan kahit tinititigan ko lang siya sa classroom, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. 

Once tinanong ako ni Angelica nung nasa comp lab kami, “Rose anong pakiramdam ng in love?” Sagot ko, “Masarap and masakit at the same time,” What is love without pain?

Masarap kasi alam mong may taong nandiyan lagi para sa’yo, kasi alam mong may taong tanggap ka. Masarap kasi kapag magkasama kayo, nawawala lahat ng worries mo and yung attention mo naka-concentrate lang sakaniya. Does he feel this, too? Siguro, ewan. Masakit kasi minsan kapag in love ka, kahit na maliit lang na bagay naaapektuhan ka. Katulad ng pagseselos at pagtatampo. Kapag kasi ako ang nagselos, direct to the heart yung tama. Masakit kasi… Minsan sa mga kilos niya, hindi mo na maintindihan kung mahal ka pa ba niya katulad ng dati. But you just have to believe and trust him. 

Si Mecmec… Kilala ko tong lalaking to. Maybe hindi ko pa siya fully kilala kasi hindi naman siya masiyadong nagkukwento sakin pero may mga part sakaniya na sanay na ako. Katulad ng pangtritrip niya sa akin minsan, yung lagi niyang pinaglalaruan buhok ko. Tapos kapag kaming 2 lang magkasama, tititigan niya ako like there’s no tomorrow. 

Isa lang masasabi ko. Mahal na mahal ko siya. 

I love you. Kahit na ilang beses mo akong saktan at paiyakin, ikaw pa rin ang mamahalin ko. I love you. Kahit na sabihin mong ang drama’drama ko at ang baduy ko, wala pa rin akong pakialam kasi gusto kong malaman mo kung gaano ka ka-importante sakin at kung gaano kita kamahal. I love you. Because you make me feel wanted and loved. I love you. Kahit na ang sutil-sutil mo, napapasaya mo pa rin ako. I love you. Kahit na sabihin mong ang haba-haba ng post kong ito at nakakatamad basahin, itutuloy ko pa rin ang pag-eexpress ng feelings ko for you. Kasi nga…. I LOVE YOU.

Baby, sana ako na ang maging last mo. Yun yung isa sa mga dreams ko. And then after 7 or more years, we’ll get married and have 2 kids. Just imagine nalang kung gaano kasaya yung life natin together nun. Tapos pangluluto mo ako ng foods, este ako pala ang magreready parati ng foods because that’s my obligation. Then before tayo matulog, bibigyan mo ako ng goodnight kiss and hug. Tapos hahayaan kitang magdota ng buong araw pero after that, don’t you dare talk to me kasi nagtatampo na ako sa’yo nun. Every single day na kasama kita, hindi ako magsasawang magsabi ng Iloveyou. I’ll swallow my pride kapag nag-aaway tayo. Tapos kapag parehas tayong nakatrip, we’ll have pillow fight o kaya tatawa tayo over little crazy things and we’ll watch movie together. HAHAHAHAHA! Yung imagination ko, masiyado nang malawak. ;D

Me, sharing my whole life with you? I guess yun yung pinaka-highlight ng buhay ko, ang makasama ka under one roof. Hindi ako nagmamadali, I just can’t wait for that moment to come. 

Sorry kung minsan sumosobra na ako. It’s just that… I LOVE YOU SO MUCH. Minsan nga tinatanong ko sarili ko, kailangan ko bang mag lie low sa sobrang pagmamahal ko sa’yo? Is it enough na ba and is it time for me naman na maka-receive ng sobrang pagmamahal din? Then those questions never work out. Hindi ko mapigilan ang sarili kong i-express sa’yo ang sobrang pagmamahal ko.

Alam kong hindi lang sakin umiikot ang mundo mo, may mga iba ka pang priorities bukod sa akin, and I’m sorry kung minsan nahahati ko yung oras mo para sa ibang bagay— ang gusto ko lang naman makasama ka, kahit hindi na araw-araw, kahit thrice or twice a week okay lang sakin, kahit once a week pa kung gugustuhin mo sige deal. Pero kapag alam kong walang pasok lalo na ngayong Christmas break, di ko ma-control sarili ko na yayain kang magkita tayo. Eto lang masasabi ko, I’m sorry. 

Thank you for everything. Thank you for loving me despite of my flaws and imperfections. Maraming mas magandang babae diyan, why me pa? Pero that’s your choice, ako ang mahal mo e. :) 

Kapag nagsawa ka na sakin, sabihin mo lang. Handa akong i-let go ka no matter how painful it is. Love is sacrifice. Pero I hope hindi dumating yung point na ayaw mo na sakin. 

One question. Magmumukha akong selfish sa tanong ko. Oo sige, selfish na kung selfish but… If I say “be mine and be with me forever”, are you willing? I mean, willing kabang makasama ako forever? 

24 ngayon. 1 year and 2 months na tayo. There’s still more to come. Happy Monthsary. I love you.

-Rose. 

December/24/2012 | 0 notes | Reblog this

December 21, 2012.

December 21, 2012—

Kinikilig ako. Oo, sobra akong kinikilig! And this is too much, I’ve been getting weird butterflies in my stomach. Alam mo yun, yung kahit isang touch niya lang sa’yo you will suddenly feel butterflies in your stomach, yung kulang na lang lumundag ang puso mo sa sobrang kilig. More than 1 year na kaming magkasama yet yung kilig vibes nandun parin because of his sweet deeds and actions. Mas lalo akong napapamahal sa kaniya kapag kinikilig ako sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. I’ll never get tired feeling it. 

Halos 2 hours kaming magkasama din kagabi. Medyo matagal din yun ha. :))) Ayoko pa sanang umuwi kagabi since may booth naman at walang curfew, ewan ko kung anong naisipan ko bakit niyaya ko siya kaagad umuwi. Gusto ko pa sana siya makasama longer. Gusto ko pang maramdaman yung hugs and kisses niya. E bakit kasi ang bilis ng oras kapag kasama ko siya?

Sobrang comfortable ko pagdating sakaniya. Hindi ako natatakot na ipakita kung ano ako. I can do whatever I want. I can hug him and hold his hand anytime without feeling awkward. I can kiss him for who-knows-how many times I want. Hindi ako natatakot ipakita sakaniya yung attitude ko pati narin yung imperfections ko. Alam ko naman kasing tanggap niya ako. Tama naman ginagawa ko, diba? Boyfriend ko siya, let’s say “future husband ko pa” or better term to use is “asawa ko siya” (though we’re not yet officially married pero that will happen after 7 or more years), kaya dapat comfortable kami sa isa’t-isa. And I can honestly say that I’m comfortable with him. 

Tapos kagabi natatawa ako sakaniya nung nakahiga ako sa lap niya. Nakapikit ako tapos bigla niyang sasabihin “Baby…”. Natatawa ako sa sound ng voice niya, parang bata na ewan. Siguro yun yung first time na tinawag niya akong baby ng harapan/magkasama kami. Oo, yun nga yung first time. Ang sarap sa pakiramdam na tawagin ka niyang baby ng personalan, nakaka-soothe ng damdamin. Ang sweet ng voice niya kahit medyo pabiro yung pagkakasabi niya ng baby. One more thing pa ang hilig niya akong kilitiin. Malakas kiliti ko sa waist e, kaya nga konting touch lang sakin sa waist (yung biglaan/unexpected ha) nakikiliti na ako. Pero di ako nakikiliti kapag expected ko na may hahawak sa waist ko. 

Mecmec ko, I love you po. :) 

December/22/2012 | 0 notes | Reblog this

Theme by Kath